C'est moi et ma vie (Paki tagalog please!)
C'est moi et ma vie isang salitang pranses na ang ibig sabihin ay "AKO at Ang Buhay ko." yan ang pinili kong pamagat at "HEADER" nito sa pagkat napakagandang tingnan at pakinggan pag-ibinibigkas (Basahin mo at mauutal ka) hehe... Itong BLOGSITE na ito ang mag-sisilbing kwaderno at Aklat-Talaarawan ko. Para maibahagi ko ang mga kuwento ng buhay ko at mga lugar na napupuntahan ko habang nililibot ko ang BUONG mundo para hanapin ang sagot sa mga tanong ko. Ako'y isang simple taong may malawak na kaalaman pag-dating sa "KALOKOHAN at KAHIBANGAN". At ang taong makakaintindi ng blogsite ko na ito ay paniguradong katulad ko hahaha. Bilang isang mapag-mahal sa SINING sa pinilakang tabing masasabi ko lahat ng nakasulat dito ay totoo at walang haloooooong... biro at Ang Hindi Maniwala ay "WALA AKONG MAGAGAWA". TABI-TABI po sa aking SITE po ito at wala kang magagawa kundi basahin ito.(Huwag magdamot sa oras na magbasa nang mga nilalaman nito dahil alam kong may mapupulot ka magandang bagay at malawak na imahinasyon pag-nabasa mo ito hahaha).Hangga't makakaya ko hindi ko babahiran ng linguwahe INGLES ang pahinang ito. Para maiintindihan ako ng mga TAONG tulaaaaad ko. TAMA ba? AYOS!
Magsisimula ako sa umpisa ng istorya ng buhay ko para magpakilala sa inyo at tatapusin ko to hanggan kailan ko gusto. Ang tanging maitutulong mo lang ay mag-basa at maglagay ng komento kung ito ba ay nagustuhan mo o ayaw mo. Libre ang komento at pag-mungkahi na gusto mo para mapaganda ko ang SITE ko na ito. LIBRE din tumawa, umiyak at malungkot habang binabasa mo ang mga bagay na mailalagay ko rito. WALANG sisita sayo at walang makiki-ELAM kong binabasa mo ito. Ang mahalaga may emosyon ako maibabahagi sa inyo. Sana sa bawat kuwento at larawan na ipapaskil ko rito ay may kinalaman rin sa nangyayari sa buhay ninyo.
Halina at Mamasyal libutin natin ang BUONG mundo kumuha tayo ng mga impormasyon at palawakin natin ang ating kaalaman sa pagsaliksik sa buong mundo. Inaasahan ko ang inyong pag-subaybay sa aking pag-lalakbay.
-->cheanlicious.blogspot.com

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento