Sana'y Ramdam mo NONG

Ang puso kong sabik sa mga yakap ang haplos mula sayo, bawat sandali na tayo'y magkalayo ang puso ko tila na babaliw sa kaiisip sayo.
Ang oras at panahon na tayo'y magkalayo ang tanging hiling nitong puso ay masulyapan ka sa sandaling ako'y nalulungkot.
(Beep, Beep) ang tunog na gustong gusto kong marining na inaasahan ko sa pag-bukas nito pangalan at mensahe mo ang aking makikita. Minsan ako'y na bigo sa inaasahan ko. "Sobrang mahal ko talaga ang taong ito" sabi ng puso't isipan ko, maghihintay ako sa mga mensahe mang-gagaling sayo. Habang lumalim ang nararamdaman ko sayo ang puso ko ay tila nagdurugo. Para bang may pagbabago sa kilos mo na datirati ay iba pa sa ipinapakita mo. Mahal kita "Sana'y Ramdam mo".
Ako'y hindi magbabago para lamang sayo. Hindi mag-sasawang mag-mahal sayo. Sa mga araw na wala ka sa aking tabi ako'y natutuliro sa pagkat nanabik na makipagkwentuhan sayo.
"Sana'y Ramdam mo" ang minuto na nagdarasal ako na sana'y ako ang laging nasa isip mo at nanabik sa muli kong pag-dating.
Hindi ko kailangan ng materyal na bagay na mang-gagaling sayo sapagkat ang puso mo lang ang tanging kailangan ko. 
Takot na ang puso kong mabigo at masaktan muli.
Ngunit dumating ka at ginising ang aking puso, binuksan mo ang aking isip na mag-mahal muli at umaasa akong makasama ka ng sandali.
Sana'y ramdam mo ang aking munting alay sa maikling nobelang ito at makita mo ang tunay na nararamdaman ko.
Mahal kita at patuloy pa rin kitang mamahalin sa abot nang aking makakaya hindi ako mag-sasawa aking sinta.

--->cheanlicious.blogspot.com

Mga Komento

Kilalang Mga Post