Ang Pusong Nag-Katagpo yugto III

Ikatlong Yugto ng Istorya...

Sa hindi kalaunan nagiging madalas na ang pag-uusap nina LALAKE at BABAE nagiging malalim na ang kanilang samahan. Nang minsang yakagin ni BABAE si LALAKE para pumunta sa kanilang nayon sapagkat gusto ni TALAKERA ang pinsan ni BABAE na makilala nito ang tinutukoy at laging bukang-bibig ni BABAE sa kanya na si LALAKE.
Naging malaking saksi si TALAKERA sa buhay at pag-ibig ni BABAE at kung sinu lang ang tao puwedeng humusga sa ganyang bagay kundi si TALAKERA lamang sapagkat ito ay malapit na PINSAN ni BABAE. (~_^)
Nang mayakag na ni BABAE si LALAKE hindi nag-alintana na HUMINDI si LALAKE kay BABAE at napapayag na ito na pumunta sa sinasabing unang pag-kikita nina TALAKERA at LALAKE. Nung una araw na yakagin ni BABAE si LALAKE ay naudlot ito sapagkat masyado nang gabi yun at hindi na maaring lumabas si LALAKE sa kanyang lungga (*u*)
Kaya sa pangalawang pagkakataon pumayag na si LALAKE na pumunta nang baguhin ang petsa at oras na napag-usapan.
Sa mga oras na yun ang tanging iniisip ni BABAE na baka ginogoyo lang siya ni LALAKE at indiyanin siya nito sa usapan tulad ng ginawa nito noong una. Pero mukha naman may isang salita si LALAKE at siguradong pupunta sya sa napag-usapan. (^_^,)
Dumating na ang araw nang pinaka-hinihintay ni BABAE na makasama si LALAKE at makilanlan na ni TALAKERA ang sinisintang PINTUHO ng kanyang PINSAN. Sa mga sandaling iyon may kaba sa puso na naramdaman si BABAE tila parang iniisip niya na hindi kaya niloloko lamang at sinasakyan lang siya ni LALAKE masabi lang na tumupad ito sa usapan. Nang araw na yun di alintana na napakarami palang NAKATALA sa KALENDARYO ni BABAE na mga lakad nang araw na yun ngunit hindi niya pinalampas ang pag-kakataong iyon kahit na siya ay abala sa pag-organisa ng kanyang mga lakad sapagkat nakagawa pa rin siya ng paraan para masundo si LALAKE. Tila nang mga panahon na ito ay mukhang may iba nang nararamdaman si BABAE na para bang malapit na siyang ma...MAGHULOG kay LALAKE.
Sa pagkikita nilang iyon isang malaking tuwa sa maririkit na mata ni BABAE ng makita niya si LALAKE na papalapit sa kanya sa tagpuan na kanilang napag-usapan.
Kagalakan ang naramdaman ni BABAE at nang makasakay na sila sa BUS na kanilang sasakyan pa punta sa nayon ni BABAE natahimik nang sandali si LALAKE na tila ba parang naiilang siya na naka-sama niya si BABAE.
Binasag na lamang ni BABAE ang katahimikan at doon na nagsimulang mag-salita si LALAKE. Sa ilang oras na byaheng iyon naramdaman na agad ni BABAE na madaling makaka-gaanang loob nang kanyang pinsan si LALAKE sa pagkat makuwento at mabait naman si LALAKE.
Nang makarating sila sa lugar ni TALAKERA, kampante namang iniwan ni BABAE si LALAKE kay TALAKERA sapagkat may pupuntahan pa si BABAE. Hindi naman nag-tagal si BABAE sa lugar na pintuhan nya sapagkat iniisip nya na baka naman mainip si LALAKE sa pag-hihintay sa kanya.
Ngunit mali pala ang inakala niya sapagkat sobrang malapit na sina LALAKE  at TALAKERA hindi niya inaasahan yun. Sobrang saya ang naramdaman niya na mabait talaga si LALAKE at kaya niyang maki-bagay kahit kanino pa man...



--->cheanlicious.blogspot.com

Mga Komento

Kilalang Mga Post