UmPisa... Ito ang Simula!!!

          
                          Ang lumang larawan galing pa sa BAUL

Bata pala akong ito na madalas na pigura na ginagawa ko. Ang ngumiti ng  parang nang hahalina. Sabi nga nang mga magulang ko para daw akong artista na madalas tumingin sa salamin para mag-paganda minsan akala mo nasa isang pelikula na halos naiyak-iyak at natawa na lang bigla. Hindi ba pang BALIW ang pag-arte ko, hindi lang pala ako pang komedyante pang-drama pa.
 Ang madalas kong gawin ay maglaro at maglaboy kaya nga habang lumalaki ako yan pa rin ang halos ginagawa ko. Kaya wala nang magawa ang mga magulang ko kung hindi masanay na lang sa madalas na PAG-LAYAS ko.

                                              Ang mga MAHAL kong pinsan


                       Ito ang hindi ko malilimutan na panahon na nangyari sa buhay ko ang madalas na ginagawa ng aming pamilya tuwing sasapit ang isa sa may kaarawan sa amin. Maraming pag-kain at tila laging pyesta sa dami ng bisita. Ang madalas kasing mag-diwang ng kaarawan niya na may ganitong handaan kung hindi ang TIYO kong si ARMANDO "mando" JARIN  pero nung nawala na sya hindi na ganito kadalas ang handaan samin. Ang hindi ko malilimutan ay ang pag-kain ko nang marami na para bang wala ng bukas. Pero hindi naman ako tumataba kahit anong kain ang gawin ko. Kaya madalas nga akong malokong PATOTOT dahil sa sobrang payat ko. ITO ang lugar na hindi ko kayang talikuran dahil dito na ko lumaki at nagkamuang. Kaya kung papipiliin ako kung saan ko mas gugustuhin manatili isang ang isasagot ko "BAYAN LUMA I IMUS, CAVITE".




Tuwing darating ang PASKO


                              Tuwing darating ang PASKO makikita mo na halos pare-pareho ang mga damit na suot ng babae at lalaki kong mga pinsan madalas pa nga pare-pareho pa ng mga BAG ang dadala namin pag-magsisimula na kaming magbahay-bahay para mamasko. Yan ang pinakamasaya na nangyari samin pag-sasapit na ang araw na yan. Ang mga nakatatanda kong pinsan minsan nahihiya pang mangatok ng pinto para mamasko kaya madalas kami ang ginagawa nilang pang-prontera para mabigyan man lang kami ng 5 piso. Masaya kana pag-nakatanggap ka ng ganyang halaga dahil marami kang mabibiling kendi. Kaya nga tuwang tuwa ako pagmarami kaming bahay na napupuntahan...



Sa sandaling ito habang ginagawa ko ito naaalala ko ang aking nakaraan kasama ng mga taong mahalaga sa aking buhay. Ang madalas kasi namin gawing lahat ay mag-saya at mag-laro na tila wala ng bukas. Kung maititigil ko lang ang oras at panahon hanggan ngayun siguro isa pa rin akong paslit na marami pang dapat gawin at tuklasin.

--->cheanlicious.blogspot.com

Mga Komento

  1. hindi ba toh madadagdagan ng Bago??? Hehehe gustong gusto ko po kasing subaybayan ang blog mo. Naiintindihan ko dahil tagalog ang mga salitang ginagamit nyo...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post