Ang BPABUG sa Mt. Talamitam part I
Unang akyat ng Bratinelum Pasaway Akyat Bundok Grupo o kilala sa tawag na BPABUG sa Mt. Talamitam ay sadyang na kakatakot dahil ang taon na yun ay halos kakatapos lang ng LINDOL sa pinas. Ako nga ang nakatoka sa kamera. Yung kamerang di-Film pa... Pero hindi ako pinayagan ng mga magulang ko na tumuloy dahil nga sa delikado pa yun. Taong 2005 nabuo ang grupong BPABUG kaya naman tumagal ng tumagal ang samahan na ito hangang sa dumagdag ng dumagdag. Ang sumunod na akyat nito ay kasama na ko. Ang pamasahe pa noon ay halos 20php lang from Indang to Batangas nasugbo.
Sila ang madalas umaakyat ng bundok. Si Ely Mandar ang lalaking nasa gawing kaliwa at ang katabi nya ay si Kris Villacote, ako naman yung nakatayo na may dalang bag at yung nasa gawin kanan si Jenezel. Sila rin ang madalas kong kasama sa pag-akyat ng bundok.





Sa Jeep na inarkila namin na toh ang nagsilbing daan namin papunta sa Mt. Talamitam. Ang mga kasama ko sa larawan na ito ay ang mga kaibigan ko... Sa gawin kaliwa ay si Jefrey Cuevas at sa tabi naman nya at si Jeff Luna na kung tawagin ay AMU. Si amu kasi ang namumuno samin sa pag-akyat at sya yung tanging tao nag-aasikaso sa lahat pagkain, pag-aayos ng tutulugan namin at sya ang AMU-amuhan naming sa bundok. Siya rin ang tangin taong makapagsabi samin kung saan dapat tumungo at saan dapat susunod. In short si AMU ang Lider namin.
Ito na yung pangalawa namin hide out.
Nag-stop over muna kami dahil wala pa sa taas pagod na pagod na kami at halos lumawit ang dila namin. Ilang milya kilometro pa ang lalakbayin namin yan ang kalkura ni AMU.
Nakakatuwang isipin na kahit sobrang init ay nagpatuloy pa rin kami sa pag-akyat sabi kasi ng Direk Jaymar kailangan maka-akyat na kami bago magdilim mahirap kasi pag-night trek. Kaya ang ginawa namin pag-katapos ng stop over at makainom ng tubig nag-patuloy na kami sa pag-akyat.
Palamig ng palamig na nung araw na ito at sobrang lamig. Habang pataas ng pataas ang inaakyatan namin nararamdaman na namin ang sakit ng binti at mga daliri sa paa namin. Kasi sa sobrang layo na ng inaakyat namin, ang tanging iniisip namin ay ma-akyat na namin ang tuktok. Pero ang saya ng feeling habang naglalakad na kami at natatanaw na namin ang tuktok ng bundok.
Ang paligid ay punong-puno ng talahib at puno napaka-sarap ng hangin halos parang niyayakap sa sobrang lamig at sa bandang ibaba makikita mo ang mga bahay na simple ngunit napaka-ganda. kahit barong-baro lang ay masarap pa rin pag-masdan. Probinsyang probinsya kasi ang istilo at para bang ang lalayo mo sa siudad na puro polusyon lang.
Nang makarating na kami sa tutok yun na ang pinakamasarap na feeling na naramdaman ko para bang naabot na namin ang langit at tila para bang narating na namin ang kaharian nya. Sobrang galak ng aking puso na makita ko ang MAYNILA na sobrang liit lang nila na halos puwede kong pipiin sa mga daliri ko. At makikita mo sa malayo ang mga sasakayan na parang langgam lang na talagang napahalakhak ako sa sobra gandang tingnan. Sa pag-sapit ng dilim ang gandang tingnan ng mga bahay habang pinapatay nila ang ilaw. na para bang christmas light lang sa pag-bukas sara ng ilaw.
At sa susunod na pag-babalik ng BPABUG sa bundok na ito. Sisiguraduhin namin yun ang pinakamasayang akyat nang bundok na gagawin namin. Yung tipong kawalan mo pag-di ka sumama. Na pag-sisihan mo na wala ka at siguradong maiinggit ka. Hindi lang ito ang huli may mga susunod pa kong pag-lalakbay na ilalagay dito. Sana naramdaman nyo ang galak na naramdaman ko habang binabasa mo ito.
---> cheanlicious.blogspot.com
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Lokasyon:
Mount Talamitam, Nasugbu, Pilipinas




Maliban po sa mt. talamitam may iba pa po ba kayong masusuggest na bundok na maakyatan?
TumugonBurahinmaganda din sa mt. batulao. suggest lang po.
TumugonBurahinYplacedcons_ki Tammy Smith download
TumugonBurahinportlotfesemb
Mquiplorom_ya Angie Moore site
TumugonBurahinMozilla Thunderbird 102.2.0
Corel Painter
App Builder 2022.17
robapuncmitt