E-Big Sabihin ng MAHAL?

(This is continuation of Love???Mahal??? Anu yun?)

    Isa pa ring malaking tanong para sakin anung meron sa salitang "MAHAL". 
Madalas ko kasi syang marining sa mga mag-kasintahan, mag-asawa at minsan kahit sa 
mag-kakaibigan. Nakakatuwang pakinggan para bang HEAVEN ang feeling 
pag-naririnig ko ang salita "MAHAL" para bang tinatawag ka ng mga anghel sa 
kalangitan :D hay kay sarap naman!
    MAHAL?? puwede mo syang dugtungan ng (ko, kita at nya) pero kung 
pag-sasamahin mo ang tatlong salitang yan, sa salitang MAHAL may iba't ibang 
kahulugan ang kalalabasan. Mahal ko? (tawag mo sa isang taong mahal mo) Mahal 
kita? (madalas mong sabihin sa taong minamahal mo) Mahal nya? (pagtukoy sa taong 
kanyang minamahal) ISANG malaking tandang pananong para sakin ang mga linyang 
yan. Pero kung bubusisain mo ang bawat linya, hindi ba't napakahalaga. Hindi ba tama 
ako?
    Madalas mong maririnig ang mga salitang yan kung hindi sa balita, sa 
telebisyon, sa kalsada o minsan kahit sa kapitbahay mo :D pero minsan nakakatuwang 
isipin pag narinig mo ang mga linya nyan sa mga pelikula at teleserye na palabas sa 
telebisyon, pag ang eksena ay sobrang drama na halos makisabayan ka sa pag-iyak sa 
bida. :D haha, madalas ko kasi yang nakikita sa aking mahal na Ina. Kung humagulgol 
dinaig pa ang wang wang ng serena,  hahaha =))
    Pero sa totoo lang ang tanging alam ko sa salitang "MAHAL" ay 
napaka-sagrado. Napaka-halaga ng E-BIG sabihin ng MAHAL... At kung mag-sasabi 
ako nyan doon na sa taong totoo kong MAHAL. <3


--->cheanlicious.blogspot.com

Mga Komento

Kilalang Mga Post