MasMagaling ba syang MAGLAMBING sayu?
Sa tagal-tagal na ng panahon napuna ko ang aking sariling tulala sa isang tabi at nag-iisip ng malalim sabay buntong hininga (HAY!). Hindi ko mawari ang puso ko kung anung nararamdaman nya palakas ng palakas ang tibok hanggang sa (BOOOOM!!!). Hindi ko mapigilan ang pagsabog ng luha sa mga mata ko tila may binubulong. (tama na!)
Ayokong maging bulag sa nararamadaman ko at maging bingi sa mga naririnig ko. Tao lang ako na may pakiramdam at nakakaramdam na baka dumating ang araw na may pagkakataon pa na maibalik ang pusong napilas nang unti-unti at humanap pa rin ng paraan para ito mabuong muli.
Ako si ____, Naghahanap ng tamang landas at tamang panahon para ang sugat ay tuluyan nang mag-hilom. Nagtatalo ang aking puso at isip kung NASAN KANA KAYA NGAYUN?... Hinahanap mo pa ba ako?
Ilang gabi na kinaya kong matulog na di ka katabi, wala sa aking piling na habang yumayakap sa hangin. Ngayun bigla na lang gumulo ang aking isip nang bigla kang pumasok na walang pahintulot. (itigil mo na yan) Bulong na hangin saking tainga.
(paki-kopya ang link na to at patugtugin habang binabasa ang kuwento ito...http://www.youtube.com/watch?v=rwAFFinJ5lA)
"Hi ako si Aldrin, at ikaw?" sambit nya... "Ako si Michelle, hello :)" yan ang unang araw na hindi ko malilimutan. Ang unang araw na nakilala ko siya. "Isa lang naman ang gusto kong malaman sayo, MAHAL mo rin ba ako?" tanong ni aldrin sakin. "Ah...O...teka seryoso ka ba?" sagot ko. "OO lang o HINDI ang kelangan mong isagot. Mahal mo rin ba ako?" pamimilit na tanong nya sakin. "O...Oo aldrin mahal din kita". Yan ang araw na opisyal na ang relasyon naming dalawa, napakasaya naming ng araw na yun.
Sa mahabang panahon namin na magkasama ni Aldrin pinatunayan na nya na mahal na mahal nya ko... Ngunit dumating ang araw na... "Michelle, I need to leave you for this moment in time, na destino ako sa isang malayong lugar para sa bago kong misyon. I hope you understand?" pag-papaalam niya sakin... lumuluha ang aking puso ng marinig ko mapapalayo sya sakin. Hindi ko alam kung oo ba ko o pipigilan ko sya, pero he leave me no choice. "Babalik ka pa ba?" tanong ko sa kanya. "Oo, hintayin mo lang ako?" sagot nya sakin.
"Michelle, babalik na si Frank. Malay mo kasama na si Aldrin." balita nang matalik na kaibigan namin ni Aldrin. Napangiti ako ng marinig ko ang balita nyang iyon. Tila dininig nya ang aking mga panalangin... Nang... "Frank, Asan si Aldrin? Kasama mo rin ba sya?" isang malaking ngiti ang pagsalubong ko sa kanya. " I'm sorry Michelle, pero nag-paiwan si Aldrin. May ipinabibigay nga pala sya para sayu." isang malungkot na mukha ang nakita ko kay Frank habang inaabot ang sulat. Natatakot akong buksan, basahin ang nilalaman at alamin kung anu ang nakalagay dito... NGUNIT ng ito buksan ko isang malaking tangkay na rosas ang kasama nito. "ARAY!" natinik ako...
Michelle,
Hindi ko sinasadya pero kelangan ko itong sabihin sayo. Ayokong saktan ka pero alam mo na minamahal pa rin kita. Ngunit sa haba ng panahon na di kita kasama at wala ka sa aking tabi habang malungkot ako at umiiyak sa sakit ng balang tumama sakin. May isang babaeng tumulong sakin at nag-aruga tulad ng pag-aalagang ginawa mo sa akin. Hindi ko sinasadyang mahulog ang loob ko sa kanya. Sinabi ko ang lahat-lahat sa kanya pati na rin ang ating relasyon. Pinigilan ko ang sarili ko dahil mahal kita. Ngunit ang di ko sinasadya mangyari na may nabuo sa aming mapusok na pag-mamahalan. Michelle, patawarin mo ako mahal kita pero hindi ko na siya kayang iwan dahil sa sanggol na dinadala niya. Patawarin mo sana ako. Alam kong mahirap pero kailangan kong sabihin sayo ito. PAALAM na!
Aldrin
(paki-kopya ang link na toh habang binabasa ang susunod na storya.http://www.youtube.com/watch?v=JdnYy6djNXc&feature=related)
Hindi ko alam ang gagawin ko ng mabasa ko ang liham na ginawa niya. Gusto kong sumigaw at maglumpasay sa sakit na ginawa nya. Mag-lasing at magwala, gusto ko syang puntahan at sugurin itatanong ko kung bakit bigla na lang siyang bumitiw sa sumpa na kanyang ipinangako sakin. Ginawa ko ang lahat para maaliw, naghanap ako nang mapag-lilibangan at lugar na malayo sa mga bagay at taong nakakapag-paaalala saming dalawa. I need to MOVE ON ika nga.
Lumipas ang mahabang panahon na halos limot ko na ang mga malalagim na nakaraan ng bigla ko nanaman na isip siya at napangiti na lang ko na dahil sa mahabang panahon na mag-kawalay kaming dalawa na halos hindi na nag-kukrus ang aming landas. Naisip ko paano kong kami pa kaya ngayun mag-kasama sa tawanan at kalungkutan, magiging masaya pa kaya ako tulad ng saya na nararamdaman ko ngayun. PERO ang totoo minsan pumasok na rin sa isip ko bakit kaya nya ako iniwan at ipinagpalit sa iba dahil ba... MasMagaling ba syang MAGLAMBING sayu? :D

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento