Paano ba makikita ang Tunay na KALIGAYAHAN?
Sabi nila ang kaligayahan ay nakikita daw sa pamamagitan nang mga bagay, pang-yayari, tao, lugar o pangarap na gusto mong maabot. Pero ano ba talaga ang tunay na kaligayahan? Saan nga ba at paano nga ba ito makikita?
Doon ko nalaman ang tunay na kaligayahan ay ang mangarap ka na isang masayang at buong PAMILYA may sapat na kaalaman para makatulong sa kanila at ang tunay na pag-mamahal kasama sila. Sa simpleng buhay na ito hindi mo na kailangan mag-hangad na mataas para lang maging masaya.
Madalas sa aking pag-iisa nag-tatanong ako sa sarili ko kung ano nga ba ang mga gusto kong mang-yari sa buhay ko. Ano ba ang mga plano ko para patuloy kong masustentuhan ang mga pangangailangan ko. Masaya na ba ako sa buhay na meron ako? Kontento na ba ako sa simple buhay na meron ako kasama ang mga taong pumapatnubay sakin simula pag-kabata ko? Bakit may mga taong sadyang pinanganak na swerte? Swerte sa lahat ng bagay at nakukuha ang lahat. Ang tanong masaya ba sila sa anung meron sila?
Bakit ang mga "mahihirap na PINOY" kokontento na lang sa anung meron sila? Hindi na ba sila ganun nag-hahanap ng paraan para umangat ang buhay nila? Bakit kung sino pa ang mayayaman sila pa ang lalong nag-papayaman? At kung sino ang mahirap sya pang-lalong naluluklok sa pag-bagsak. Minsan tuloy naiisip ko "Unfair talaga". Pero ang tanging alam ko pag-subok lang ito para malaman nya kung gaano katatag ang tao pag-dating sa mga ganyang problema.
Isang araw dumalaw ako sa simbahan habang ang lahat ng tao ay nag-hahanap nang kanilang mauupuan at ang iba ay nag-kukuwentuhan sa kanilang buhay-buhay. Meron namang Nag-susuway sa mga chikiting na sobrang kulit at ang iba naman, mga matatandang nakaluhod habang humihiling at nagpapasalamat sa DIYOS.
Iniisip ko nga anu kaya ang kanilang pakay habang nasa loob nag simbahan. Kasi ako gustong-gusto ko makarinig ng sermon ng Pari. Para naman maliwanagan ako kung sa mga bagay-bagay.
Habang tahimik ang lahat at nakikinig sa salita ng diyos, napansin ko na bakit may mga tao pa rin na halos kahit ang bigat-bigat na nang kanilang dinadala nagagawa pa rin nilang ngumiti na parang nasa kawalan at parang ang gaan-gaan pa rin nang kanilang pakiramdam. Ang nakakatuwa pa nya may mga taong patuloy pa rin nagpapasalamat at naghiling sa DIYOS. Dapat siguro lahat ng mga PINOY maging gaanon para naman maiwasan ang mabigat na pakiramdam at maging aliwalas ang buhay. Pero hindi mo naman maiiwasan ang mga taong negatibo ang pag-iisip at sobrang tsismosa kahit sila pa yung mga taong simbahan. Hay naku! Wala akong masabi sa sobrang perpekto nila. Sila na ang walang mali at sila na ang maswerte sa buhay.
Ngunit nang mag-simula na ang PARI na kayna sermon nang araw na yun nagulat na lang ako ng marinig ko ang pag-aaral nang araw na iyon, "Kung Paano ba makikita ang TUNAY na KALIGAYAHAN?" sabi ng pari maraming mga taong nag-hahangad ng kasaganahan sa buhay. Nanga-ngarap na maging maunlad at popular sa ating bansa ngunit kadalasan ang mga tao ito ay sya nagiging sakim sa mga natatamasan at nakakalimutan ang kanyang pinang-galingan. Ginagamit nila itong kapangyarihan para makuha ang lahat. Maging sikat at para katakutan, bakit kaya gaanun bakit hindi na lang nila ibahagi ang meron at sobra sa nakukuha nila. Sadya bang nakakasakim sa Kagustuhan? Habang naririnig ko ang pag-basa naiisip kong gumawa nito para malaman nang lahat na hindi lang pera, bagay, lugar ang pwedeng magbigay sayo nang tunay na kaligayahan. Makikita ang tunay na kaligayahan mula sa TAO.
Doon ko nalaman ang tunay na kaligayahan ay ang mangarap ka na isang masayang at buong PAMILYA may sapat na kaalaman para makatulong sa kanila at ang tunay na pag-mamahal kasama sila. Sa simpleng buhay na ito hindi mo na kailangan mag-hangad na mataas para lang maging masaya.
--> cheanlicious.blogspot.com


Mga Komento
Mag-post ng isang Komento